Add parallel Print Page Options

Tulad (A) ni Sarah, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sarah kung tama ang inyong ginagawa at kayo'y hindi nagpapadaig sa takot.

(B) Sa gayunding paraan, kayong mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhan nang may paggalang ang inyong asawa, tulad sa mas mahinang kasangkapan. Sila'y inyong kapwa tagapagmana sa kaloob na walang hanggang buhay. Gawin ninyo ito at walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.

Pagdurusa Dahil sa Paggawa ng Mabuti

Bilang pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging mahabagin at maging mapagpakumbaba.

Read full chapter